‘Sh*t happens’ na sagot ni Sen. Ronald Dela Rosa sa pagkakapatay sa 3-anyos na babae pinuna

By Jan Escosio July 05, 2019 - 06:27 PM

Umani ng mga puna mula sa kanyang mga kapwa senador si Senator Ronald dela Rosa sa naging pahayag nito na ‘shit happens’ kaugnay sa pagkamatay ng isang tatlong taon gulang na babae sa isang anti-drug operation sa Rodriguez, Rizal.

Ayon kay Sen. Panfilo Lacson dapat ay seryosohin ang naturang insidente at hindi maaring balewalain na lang ng komento tulad ng ‘shit happens in ‘imperfect world’ ni dela Rosa.

Tulad ni dela Rosa, nagsilbi din hepe ng pambansang pulisya si Lacson at ito pa ang nag-alok ng pinamuan niyang Committee on Public Order and Dangerous Drugs sa bagong senador.

Samantala, ayon naman kay Sen. Risa Hontiveros, hindi dapat maliit ang pagkamatay ng mga inosente at aniya kung may dapat gawin ay i-flush sa inidoro ang madugong war on drugs ng administrasyong-Duterte.

Sinabi naman ni Sen. Francis Pangilinan, pinalala lang ni dela Rosa ang nangyari at aniya sa halip na kondenahin at papanagutin ang mga nagkamali ay maaring maulit nang maulit ang pagkamatay ng mga bata sa mga anti-drug operations.

Kaugnay pa nito, bwelta ni Sen. Leila de Lima sa katwiran ni dela Rosa ay maghain na lang din ng panukala ang bagong senador na papanagutin na rin sa mga batas ang mga sanggol total naman aniya ‘shit happens.’

TAGS: ‘Sh*t happens’, anti-drug operation sa Rodriguez Rizal., pagkamatay ng isang tatlong taon gulang na babae, Sen. Panfilo Lacson, Sen. Risa Hontiveros, Sen. Ronald Dela Rosa, ‘Sh*t happens’, anti-drug operation sa Rodriguez Rizal., pagkamatay ng isang tatlong taon gulang na babae, Sen. Panfilo Lacson, Sen. Risa Hontiveros, Sen. Ronald Dela Rosa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.