Chinese workers sa bansa dapat magbayad ng buwis ayon kay Sen. Ralph Recto

By Jan Escosio July 05, 2019 - 06:30 PM

Pinagbabayad ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ng buwis ang libo-libong Chinese nationals na nagta-trabaho sa bansa.

Aniya tama lang ang pagbibigay ng Department of Finance (DoF) ng ultimatum sa mga Chinese workers para sa pagbabayad nila ng buwis.

Katwiran ni Recto dapat maayos na makasingil muna ng mga buwis ang gobyerno bago taasan ang sinisingil na buwis.

Dagdag nito kaya naglipana ang mga banyagang manggagawa ditto sa Pilipinas ay dahil nakakalusot sila sa pagbabayad sa buwis.

Hirit pa ng senador dehado na ang Pilipinas sa isyu sa West Philippine Sea kaya’t hindi na dapat pang magpalamang pa sa usapin sa pagbabayad ng mga buwis.

Unang inanunsiyo ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na target nilang makasingil ng P22 bilyon na buwis mula sa mga Chinese nationals at iba pang foreign workers.

TAGS: Bureau of Internal Revenue, chinese workers, Department of Finance, Senate President Pro Tempore Ralph Recto, West Philippine Sea, Bureau of Internal Revenue, chinese workers, Department of Finance, Senate President Pro Tempore Ralph Recto, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.