July 15 idineklarang special non-working holiday sa CAR

By Angellic Jordan July 05, 2019 - 04:49 PM

Idineklara ng Palasyo ng Malakanyang bilang special non-working holiday ang July 15 sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Ito ay kaugnay sa pagdiriwang ng ika-32 founding anniversary ng rehiyon.

Pinirmahan ni Executive Salvador Medialdea ang Proclamation no. 763 noong araw ng Huwebes (July 4) ngunit inilabas ang kopya ngayong araw ng Biyernes (July 5).

Ayon kay Medialdea, layon nitong mabigyan ng pagkakataon ang mga residente na makalahok sa mga aktibidad ng anibersaryo.

Samantala, idineklara rin bilang non-working holidays ang July 10 sa Sta. Rosa, Laguna; July 12 sa Guihulngan City, Negros Oriental at sa July 15 sa Mauban, Quezon.

TAGS: CAR, Guihulngan City, July 15, laguna, Mauban, Negros Oriental, Quezon, special non-working holiday, Sta. Rosa, CAR, Guihulngan City, July 15, laguna, Mauban, Negros Oriental, Quezon, special non-working holiday, Sta. Rosa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.