DepEd, tutulong sa imbestigasyon ng PNP kaugnay sa pamamaril sa isang Grade 7 student sa Calamba City

By Angellic Jordan July 05, 2019 - 04:36 PM

Makikipagtulungan ang Department of Education (DepEd) sa isasagawang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) ukol sa pamamaril sa isang Grade 7 student sa Castor Alviar National High School sa Calamba, Laguna.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng DepEd na nakikipag-ugnayan ang Schools Division Office (SDO) ng Calamba City police para alamin ang motibo sa krimen.

Nasawi ang biktima matapos barilin sa loob mismo ng classroom ng suspek na si Renan Estrope Valderama alyas Renz Ivan Valderama.

Nagparating naman ng pakikiramay ang kagawaran sa pagkamatay ng biktima.

Tiniyak din ng DepEd ang pagbibigay ng tulong-pinansyal sa naiwang pamilya ng biktima.

TAGS: Calamba City police, Castor Alviar National High School sa Calamba, Department of Education, Grade 7 student, laguna, Calamba City police, Castor Alviar National High School sa Calamba, Department of Education, Grade 7 student, laguna

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.