Rizalito David naghain ng DQ laban kay Duterte

By Ricky Brozas December 21, 2015 - 07:41 PM

duterte (1)
Inquirer file photo

Panibagong petisyon ang inihain ngayon sa Commission on Elections o Comelec na kumukuwestyon sa legalidad ng kandidatura ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Ang panibagong petisyon ay inihain ni Rizalito David na siya ring naghain ng disqualification case laban kay Senador Grace Poe sa Senate Electoral Tribunal o SET.

Sa kanyang siyam na pahinang petisyon, hiniling ni David na ideklara ng Comelec na ang substitution ni Duterte kay Martin Diño bilang pambato sa pagka-pangulo ng Partido PDP-Laban ay walang bisa.

Dahil dito, dapat lamang umano na makansela ang Certificate of Candidacy (COC) ni Duterte.

Giit ni David, malinaw naman na ang COC ni Duterte ay inihain lagpas na ang deadline para sa pagsusumite ng COC na itinakda nuong October 16, 2015.

Idinagdag pa ng petitioner na ang ginawang pag-atras ni Diño sa kanyang kandidatura ay pagpapaikot sa Comelec Rules of Procedure.

TAGS: 2016, comelec, David, Dino, duterte, 2016, comelec, David, Dino, duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.