Dating Mayor Erap Estrada posibleng makasuhan dahil sa hindi pag-turnover ng mga dokumento sa kampo ni Mayor Isko Moreno

By Angellic Jordan July 05, 2019 - 04:06 PM

Posibleng kasuhan ng Department of Interior and Local Government (DILG) si dating Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada dahil sa umano’y hindi pag-turnover ng mga dokumento kay Manila Mayor Isko Moreno.

Sa isang press conference, sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na magsasampa ng kaso ang kagawaran sakaling mapatunayang nagpabaya si Estrada sa pag-turnover ng mga dokumento.

Responsibilidad aniya ng dating alkalde na pangunahan ang transition team para ibigay ang mga dokumento sa incoming mayor.

Gayunman, dapat muna aniyang hintayin ang resulta ng isinagawang imbestigasyon kung ano ang nangyari sa pag-turnover ng mga dokumento sa lungsod.

Matatandaang sinabi ni Moreno na wala silang natanggap na anumang dokumento mula sa grupo ni Estrada.

TAGS: Dating Mayor Erap Estrada, DILG Undersecretary Jonathan Malaya, Maynila, Mayor Isko Moreno, transition team, Dating Mayor Erap Estrada, DILG Undersecretary Jonathan Malaya, Maynila, Mayor Isko Moreno, transition team

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.