Chinese national nailigtas ng CIDG sa tangkang kidnapping

By Angellic Jordan July 05, 2019 - 03:44 PM

Nasagip ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang Chinese national sa tangkang kidnapping sa Makati City, Huwebes ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Jiang Fan Li, 22-anyos.

Dinukot ng mga suspek na sina Lee Arvin Apostol at Brian Alit Requintina ang biktima sa bahagi ng Emilia Building sa Batangas Street corner Uruguay Street sa Barangay San Isidro.

Ayon sa CIDG, ikinasa ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon mula sa isang concerned citizen sa pagkidnap sa Chinese national.

Nakakalap pa ang mga imbestigador ng larawan kung saan nakitang minaltrato at dinukot ang biktima.

Agad rumesponde ang mga pulis sa lugar at nadatnang nakaposas ang biktima.

Inaalam pa ng mga otoridad kung miyembro ang mga suspek ng kidnapping syndicate.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Article 267 ng Revised Penal Code o serious illegal detention.

TAGS: barangay san isidro, biktimang si Jiang Fan Li, CIDG, makati city, tangkang kidnapping, barangay san isidro, biktimang si Jiang Fan Li, CIDG, makati city, tangkang kidnapping

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.