Sarah Geronimo naawa sa pinagdaanang training ng nobyong si Matteo Guidicelli

By Mary Rose Cabrales July 05, 2019 - 02:35 PM

‘Love, iuwi na lang kita, please. Huwag na tayo dito.'”

Ito ang sinabi umano ng singer na si Sarah Geronimo sa kanyang nobyo na si Matteo Guidicelli noong dinalaw niya ito habang nagsasanay bilang scout ranger reservist.

Sa isang panayam sa telebisyon, naikwento ni Matteo na naawa si Sarah noong dumalaw ito at nakita nito ang maliit na tent na tinitigilan niya at ng kanyang ka-buddy at ang mga gamit na nasa sahig lamang kung kaya’t nasabi ito ni Sarah.

Ayon kay Matteo, suportado naman ng kanyang nobya ang pagpasok niya sa Army Reserve Force sa kabila ng kanyang mga nakita.

Nitong nakaraang buwan lamang ay natapos na ni Matteo ang 30 araw na scout ranger reservist training sa Camp Tecson sa San Miguel, Bulacan.

Sa kanyang pagtatapos, naroon ang kanyang mga magulang at nobyang si Sarah.

Nakatanggap si Matteo ng military commendation medal para sa pakikiisa sa mga isinagawang clean-up drive sa mga eskwelahan at pagsisilbing inspirasyon sa mga kabataan para pahalagahan ang mga sakripisyo ng mga Filipinong sundalo.

Maliban dito ay nakatanggap din ang aktor ng special award matapos manguna sa klase sa gradong 95.2 percent.

TAGS: Matteo Guidicelli, Sarah Geronimo, scout ranger reservist, training, Matteo Guidicelli, Sarah Geronimo, scout ranger reservist, training

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.