Magnitude 3.0 na lindol naitala sa Itbayat, Batanes

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang lalawigan ng Batanes.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 91 kilometers Northwest ng bayan ng Itbayat, alas-12:08 Biyernes ng tanghali (July 5).

May lalim na 98 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...