Pagdedeploy ng US warships sa Pilipinas dapat tingnan ng pamahalaan

By Erwin Aguilon July 05, 2019 - 12:32 PM

Hiniling ilang mga mambabatas na silipin din ang patuloy na pagdedeploy ng Estados Unidos ng kanilang mga warships sa bansa.

Ayon kay Gabriela Rep. Arlene Brosas, nagpapanggap lamang ang Amerika na isang kaalyadong nagmamalasakit sa panghihimasok ng China sa West Philippine Sea at nakikisakay lamang sa sentimyento ng lahat laban sa Beijing.

Hindi aniya maitatanggi na patuloy pa rin ang US sa pagdedeploy ng kanilang missile launchers at combat ships sa ating teritoryo na direktang panghahamak sa soberenya at seguridad ng ating bansa.

Nito lamang weekend ay nagdeploy ang Amerika ng warship USS Montgomery sa karagatan sakop ng Davao City bilang pagpapakita ng suporta laban sa panghihimasok ng China sa bansa pero hindi man lamang nasilip ang on-board unmanned helicopters at missile launchers ng barko ng US.

Ang panawagan na ito ay kasunod na rin ng missile test ng China sa West Philippine Sea.

TAGS: Radyo Inquirer, US Warships, West Philippine Sea, Radyo Inquirer, US Warships, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.