KAPA officials hindi sumipot sa preliminary investigation sa DOJ

By Jan Escosio July 05, 2019 - 12:19 PM

Wala kahit isang opisyal ng KAPA Community Ministry International Inc. ang sumipot sa unang preliminary investigation ng Department of Justice ukol sa umano’y kinasasangkutan nilang investment scam.

Nabatid na pinadalhan ng subpoena ng DOJ si Pastor Joel Apolinario at iba pang matataas na opisyal ng KAPA, maging ang kanilang mga abogado.

Dumalo naman sa paunang imbestigasyon si Securities and Exchange Commission Director Jose Aquino, na tumatayong complainant.

Pinanumpaan ni Aquino ang mga affidavit ng SEC sa harap ni Assistant State Prosecutor Zenamar Machacon-Caparros.

Sinabi ni Aquino, may mga testigo sila na ihaharap bukod pa sa mga affidavit na magdidiin sa KAPA officials.

Inireklamo ang mga opisyal ng KAPA ng paglabag sa Republic Act 8799 o Securities Regulation Code.

Itinakda naman ng DOJ ang susunod na pagdinig sa darating na July 15 araw ng Lunes ganap na alas-10:00 ng umaga at inaasahan na susulpot na ang grupo ni Apolinario bitbit ang kanilang counter-affidavits.

TAGS: Kapa Ministry, Preliminary Investigation, Radyo Inquirer, Kapa Ministry, Preliminary Investigation, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.