LTFRB umapela sa TNVS operators na huwag ituloy ang planong transport holiday

Nanawagan si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Atty. Martin B. Delgra III sa Transportation Network Vehicle Service (TNVS) operators na huwag nang ituloy ang plano nilang maglunsad ng nationwide transport holiday sa Lunes, July 8.

Reaksyon ito ni Delgra kasunod ng banta ng TNVS operators na mag-oofline sila mula alas 6:00 ng umaga hanggang alas 6:00 ng gabi sa Lunes.

Sa halip na magprotesta sinabi ni Delgra na dalhin ang kanilang lehitimong reklamo sa LTFRB.

Mas mabuti aniyang makipagdayalogo ang TNVS operators sa Board para matugunan ang kanilang hinaing sa halip na maperwisyo pa ang riding public.

Ganito rin ang apeka ng Grab sa kanilang TNVS partners.

Read more...