PH Consulate sa Hong Kong nagbabala sa mga Pinoy na makikilahok sa protesta laban sa extradition bill
By Jimmy Tamayo July 05, 2019 - 11:43 AM
Binalaan ng Philippine Consulate ang mga Filipino na makikilahok sa kilos protesta sa Hongkong.
Sinabi ni Consul General Antonio Morales, na maaaring magkaproblema sa immigration ang mga Filipino at maaaring mawalan ng visa.
Bukod dito, maaari ring masaktan ang mga ito kung sasama sa kilos protesta.
Kinumpirma ni Morales na may ilang mga Filipino ang namataan sa mga pagkilos doon laban sa kontrobersyal na extradition bill.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.