Bilang ng HIV/AIDS cases sa Davao City tumataas pa
Nababahala ang Davao City Reproductive Health and Wellness Center (RHWC) sa pagtaas ng kaso ng Human immuno deficiency virus/acquired immunodeficiency syndrome (HIV/Aids) sa Davao City.
Sinabi ito ng RHWC matapos kumpirmahin ang pagkamatay ng isang Aids patient noong Marso.
Ayon kay Eddie Batoon, community health outreach worker ng Aids Society of the Philippines–RHWC, nakapagtala ng pinakamaraming kaso ng HIV/AIDS noong Marso kumpara noong mga nakaraang buwan.
Sa 101 kaso, 6 sa mga ito ay babae at nasa 95 ang lalaki.
Marami naman sa mga ito ay nasa idad na 25-34 habang ang pinaka-matanda ay nasa idad na 50 pataas.
Pinaka-marami rin sa bilang ay nakuha ang nasabing sakit sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa kapwa lalaki na umaabot sa 63 habang ang iba ay nakipagtalik sa lalaki at babae at may sampung kaso naman ang pakikipagtalik ng lalaki sa babae o babae sa lalaki.
Sa kabuuan ay umaabot ng 2,805 na HIV/Aids ang kasong naitala sa Davao City mula noong 1984.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.