Sinabi ni CBCP-ECMI chairman Bishop Ruperto Santos na nakalulungkot ang pangyayaring ito na pagsasamantala sa sitwasyon ng mga manggagawang Filipino sa naturang lugar.
Umapela si Santos sa Philippine Consulate Office sa Hongkong na tulungan ang ating mga kababayan na nabiktima ng nasabing lending company.
Ayon sa ulat, ginagamit na loan collateral ang passport ng mga OFW ng nasabing lending firm.
Sa ilalim ng Foreign Service Circular No. 2014-99 ng Department of Foreign Affairs itinuturing na iligal ang paggamit sa passport bilang collateral at nangangahulugan din ito ng pag-invalidate sa dokumento.