CBCP-ECMI nais paimbestigahan ang pagkumpiska sa passport ng nasa 1,400 na OFWs sa Hong Kong
Humihiling ng imbestigasyon ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) kaugnay ng ulat na pagkumpiska ng isang lending company sa passport ng nasa 1,400 na OFW sa Hongkong.
Sinabi ni CBCP-ECMI chairman Bishop Ruperto Santos na nakalulungkot ang pangyayaring ito na pagsasamantala sa sitwasyon ng mga manggagawang Filipino sa naturang lugar.
Umapela si Santos sa Philippine Consulate Office sa Hongkong na tulungan ang ating mga kababayan na nabiktima ng nasabing lending company.
Ayon sa ulat, ginagamit na loan collateral ang passport ng mga OFW ng nasabing lending firm.
Sa ilalim ng Foreign Service Circular No. 2014-99 ng Department of Foreign Affairs itinuturing na iligal ang paggamit sa passport bilang collateral at nangangahulugan din ito ng pag-invalidate sa dokumento.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.