Bahagi ng Skyway Project Stage 3 bubuksan sa susunod na dalawang linggo – DPWH

Bubuksan na sa susunod na dalawang linggo ang bahagi ng Skyway Stage 3 project.

Ayon kay Public Works and Highways Secretary Mark Villas, unang bubuksan ang Plaza Dilao exit na mangangahulugang magkakaroon ng dagdag na apat na kilometro sa Skyway.

Target ng DPWH na sa katapusan ng kasalukuyang taon ay 95 percent nang kumpleto ang Skyway Stage 3 project.

Ang Metro Manila Skyway Stage 3 project, ay kinapapalooban ng 18.68-kilometer elevated expressway na magdudugtong sa Buendia, Makati City hanggang Balintawak, Quezon City.

Sa sandaling makumpleto ay inaasahang mapabibilis nito ng 15 to 20 minutes na lamang ang dalawang oras na biyahe mula Buendia hanggang Balintawak.

Makakatutulong din ang kalsada na ma-decongest ang EDSA.

Read more...