2.7 percent June inflation, pasok sa BSP target
By Dona Dominguez-Cargullo July 05, 2019 - 10:46 AM
Pasok sa target ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang 2.7 percent inflation na naitala para sa buwan ng Hunyo.
Ayon sa BSP, ang target range nila ay 3.0 percent para sa 2019 at 2020.
Sinabi ni BSP Governor Benjamin Diokno na patuloy nilang babantayan ang economic developments para matiyak na ang monetary policy ay tutugma sa price stability ng BSP.
Ayon sa PSA, ang 2.7 percent na inflation noong Hunyo ang pinakamababa sa rekord sa nakalipas na 22 buwan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.