3 lalaki arestado sa buy-bust sa Bacolod; P300K na halaga ng shabu ang nakumpiska

By Dona Dominguez-Cargullo July 05, 2019 - 09:56 AM

Arestado ang dalawang lalaking suspek sa ikinasang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Bacolod City, Biyernes (July 5) ng madaling araw.

Nakumpiska sa dalawang suspek ang 22 gramo ng shabu na tinatayang aabot sa P300,000 ang halaga.

Ayon sa mga tauhan ng PDEA, dalawang oras nilang sinundan ang mga suspek bago nagbigay ang mga ito ng lugar kung saan gagawin ang transaksyon.

Naka-apat na lipat pa ng lugar dahil pumili umano ng hindi mataong lugar ang dalawa para doon gawin ang bentahan.

Nang mag-positibo ang buy-bust ay doon na inaresto ang dalawa. Samantala, sa hiwalay na operasyon ng mga tauhan ng Police Station 7 sa Bacolod, naaresto naman ang isang high value target.

Nakuhanan siya ng 3 gramo ng shabu na tinatayang P18,000 ang halaga.

TAGS: Bacolod, Radyo Inquirer, war on drugs buy bust, Bacolod, Radyo Inquirer, war on drugs buy bust

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.