Ipinagtataka ni Marcos ang pagiging kulelat ng Pilipinas sa mga katabing bansa gayung mataas ang ating growth rate.
Dagdag pa nito sa kabila ng bilyun-bilyong pisong ibinubuhos sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps walang pagbabago sa buhay ng mga mahihirap sa bansa.
Sinabi pa nito kapag nagawa lang na mabura ang kahirapan sa Mindanao, 40 porsiyento ang mawawala sa bilang ng mga mahihirap na Filipino.
Kayat nais ni Marcos na masuri ang mga umiiral na programa para sa masa at mabusisi ang tunay na mga datos ukol sa kahirapan.
Pagdidiin nito napakahalaga ng tunay na mga datos para sa mga programa na layon mabawasan ang antas ng kahirapan sa bansa.