Inflation para sa buwan ng Hunyo pumalo lang sa 2.7 percent – PSA
Nakapagtala lamang ng 2.7 percent ng inflation rate para sa nakalipas na buwan ng Hunyo.
Mas mababa ito kumpara sa 3.2 percent inflation na naitala noong buwan ng Mayo.
Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA), National Statistician Claire Dennis Mapa, ito na ang pinakamababang naitalang inflation mula noong September 2017 kung kailan naitala ang 3 percent.
Maituturing pa ring pinakamababa sa rekord ay noong August 2017 kung saan naitala ang 2.6 percent inflation.
Ayon kay Mapa ang pagbagal ng inflation noong nakaraang buwan ay dahil sa pagbaba ng presyo ng pagkain.
Nagkaroon din ng pagbaba sa presyo ng produktong petrolyo at parte ng sasakyan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.