Apat na bahay nasunog sa Brgy. Quiot, Cebu City
Tinupok ng apoy ang ilang mga bahay sa Cebu City, Biyernes (July 5) ng umaga.
Ayon kay Sr. Fire Officer Lemuel Vincent Alcoseba, apat na bahay ang naapektuhan ng sunog sa Barangay Quiot.
Tinatayang aabot sa P260,000 ang halaga ng mga ari-ariang nasunog.
Ito na ang ikalimang pagkakataon na nakapagtala ng sunog sa Cebu City sa loob lamang ng apat na araw at ikalawang insidente ng sunog sa Barangay Quiot.
Kahapon (Huwebes) ng umaga ay nasunog din ang dalawang palapag na bahay na pag-aari ng isang Robert Go sa parehong barangay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.