Batas kontra labor contracting pipirmahan na ni Pangulong Duterte
Kumpiyansa si Labor Secretary Silvestre Bello III na nalalapit na ang pagiging ganap na batas ng Security of Tenure Bill.
Sinabi ni Bello pirma na lang ni Pangulong Duterte ang hinihintay ayon na rin sa Presidential Legislative Liaison Office.
Ayon pa sa kalihim isinumite na rin niya sa Malakanyang ang kanyang rekomendasyon na malaking tulong sa sektor ng paggawa, lalo na sa mga manggagawa ang End Endo Act of 2018.
Paliwanag nito magiging malinaw na sa batas ang lahat ng umiiral na ‘labor arrangements.
Dagdag pa ni Bello mapapagtibay din sa batas ang seguridad ng trabaho ng manggagawa dahil ipagbabawal na ang labor contracting at mapaparusahan ang mga lalabag.
Noong Setyembre sinertipikahan ng Malakanyang na ‘urgent’ ang panukala alinsunod sa pangako ni Pangulong Duterte na tuldukan na ang kontraktuwalisasyon sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.