Yellow alert muling itinaas sa Luzon Grid
Muling isinailalim sa yellow alert ang Luzon Grid dahil sa manipis na reserba ng kuryente sa Luzon.
Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang pag-iral ng yellow alert ay mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon ngayong araw ng Biyernes (July 5).
Mayroong available capacity sa Luzon na 11,203MW habang ang peak demand ay aabot sa 10,619MW.
Hindi naman inaasahan ang pagkakaroon ng rotational brownout dahil sa yellow alert.
Pero pinapayuhan pa rin ang publiko na magtipid sa paggamit ng kuryente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.