Halos 300 tauhan ng Laguna Police, nabigyan ng promosyon
Aabot sa 388 na pulis-Laguna ang na-promote sa next higher rank.
Pinangunahan ni Laguna Provincial Director Police COL. ELEAZAR MATTA, ang simultaneous mass oath-taking at pinning of ranks sa mga napromote na pulis sa Camp Brig. Gen. Paciano Rizal, Brgy. Bagumbayan Sta Cruz, Laguna.
Ang 388 na PNP personnel ng Laguna PPO ay promoted mula Patrolman patungong Police Corporal.
Sa kaniyang mensahe sinabi ni Matta na umaasa siyang mas pagbubutihin at gagalingan pa ng mga pulis ang kanilang trabaho.
Pinaalalahanan din ni Matta ang mga tauhan na palagiang panatilihin ang disiplina sa sarili kahit sa simpleng pagsusuot ng uniporme.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.