LOOK: Larawan ng suspek sa pagpatay sa Grade 7 student sa Calamba City inilabas ng pulisya

Photo from Calamba City Police

Inilabas ng Calamba City Police ang larawan ng suspek sa pagpatay sa 15 anyos na Grade 7 student sa Laguna.

Kinilala ang suspek na si Renan Estrope Valderama.

Nanawagan din ang mga otoridad sa publiko na agad ipagbigay-alam sa pulisya ang anumang impormasyon tungkol sa suspek.

Maaring mag-text o tumawag sa cellphone numbers 09154067505 o 09183318641.

Si Valderama ay pumasok sa paaralan sa Barangay Masili sa Calamba City at saka tinungo ang classroom ng biktima at binaril ito.

Read more...