Hinihinalang holdaper patay sa engkwentro sa Caloocan

By Dona Dominguez-Cargullo July 05, 2019 - 06:29 AM

Patay ang isang hinihinalang holdaper sa engkwentro sa mga pulis sa C3 Road, Caloocan City, Biyernes (July 5) ng madaling araw.

Ayon sa mga otoridad, nagsumbong sa kanila ang biktima dahil habang naglalakad siya kasama ang kaibigan ay tinutukan sila ng baril ng suspek at kinuha ang kaniyang bag.

Tyempong nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga pulis sa lugar at natunton ang salarin sa isang bakanteng lote sa tabi ng C3 Road.

Nang lapitan ng mga pulis, sa halip na sumuko ay nagpaputok pa ng baril ang suspek.

Doon na nauwi sa engkwentro ang insidente na ikinasawi ng holdaper.

Nakuha sa kaniya ang mga nakaw na gamit, tulad ng cellphone.

TAGS: metro, police, Radyo Inquirer, shootout, metro, police, Radyo Inquirer, shootout

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.