Davao Oriental, Batangas at Davao Occidental niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang lalawigan ng Davao Oriental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 155 kilometers Southeast ng bayan ng Governor Generoso, alas-12:22 ng madaling araw ng Biyernes (July 5) at may lalim na 104 kilometers.

Magnitude 3.3 na lindol naman ang tumama sa lalawigan ng Batangas alas-3:05 ng umaga.

Naitala ang pagyanig sa 15 kilometers Southwest ng bayan ng Calatagan at may lalim na 77 kilometers

Samantala, magnitude 3.3 na lindol naman ang yumanig sa lalawigan ng Davao Occidental.

Naitala ang pagyanig sa 142 kilometers Southeast ng bayan ng Sarangani, alas-3:29 ng umaga at may lalim na 33 kilometers.

Tectonic ang origin ng tatlong pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...