Isang panibagong LPA binabantayan ng PAGASA sa Zamboanga del Sur
Isang panibagong Low Pressure Area ang binabantayan ng PAGASA sa loob ng bansa.
Ang LPA ay huling namataan sa layong 400 kilometers east ng Zamboanga Del Sur.
Ayon kay PAGASA weather specialist Gener Quitlong, maliit naman ang tsansa na magiging isang ganap na bagyo ang LPA.
Ang LPA kahapon na binabantayan ng PAGASA sa General Santos City ay nalusaw na.
Para sa magiging lagay ng panahon ngayong araw na ito, ang Luzon kasama na ang Metro Manila at ang buong Visayas ay makararanas ng maaliwalas, mainit at maalinsanangang panahon.
Magkakaroon lamang ng pag-ulan dulot ng localized thunderstorms sa hapon o gabi.
Sa Mindanao naman, ang Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Bangsamoro Region at Soccsksargen ay direktang apektado ng LPA.
Makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkildat sa nasabing mga lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.