Lalaki patay matapos makaalitan ang kapwa-pasahero sa Quezon City

By Rhommel Balasbas July 05, 2019 - 04:46 AM

Timbog ang isang lalaki makaraang mapatay ang kanyang kapwa pasahero sa bus sa Quezon City.

Ayon kay P/Cpl. Morshid Tanog ng QPCD-CIDG, nagkaroon ng alitan sa pagitan ng suspek na si alyas ‘Nestor’ at biktimang si alyas ‘Jojo’ habang nakasakay ang mga ito sa bus.

Kahit nakababa na umano ang biktima sa bus ay hindi ito tinantanan ng suspek kung saan sinaktan itong muli at binalibag.

Dahil dito, inatake sa puso ang biktima at tuluyang nawalan ng malay.

Isinugod pa sa ospital ang biktima ng kanyang asawa ngunit agad itong binawian ng buhay.

Patuloy na inaalam ang ugat ng away ng dalawa.

Samantala, mahaharap sa kasong homicide ang suspek.

 

TAGS: alitan, binalibag, bus, homicide, inatake sa puso, napatay, pasahero, quezon city, alitan, binalibag, bus, homicide, inatake sa puso, napatay, pasahero, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.