Pilipinas kasama pa rin sa “10 worst countries” para sa mga manggagawa

By Len Montaño July 05, 2019 - 04:40 AM

Kasama pa rin ang Pilipinas sa listahan ng “10 worst countries” para sa mga manggagawa para sa taong 2019.

Ito ay base sa Global Workers’ Rights Index ng Trade Union Confederation.

Ayon sa grupo, muling napabilang ang bansa dahil sa umiiral na karahasan sa mga miyembro ng unyon.

Kabilang ang pagpatay sa siyam na magsasaka na nag-rally sa Sagay City, Negros Occidental noong 2018 at ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na “barilin” ang mga gagaya sa naturang mga magsasaka.

Samantala, naalarma ang Commission on Human Rights (CHR) sa report dahil ginagarantiya umano sa Konstitusyon ang karapatan ng mga manggagawa na magprotesta at magkaroon ng unyon.

Pero sinabi naman ni Labor Secretary Silvestre Bello III na apat lamang ang mga kaso ng pagpatay na may kaugnayan sa paggawa sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Ayon sa Kalihim, isa lamang “black propaganda” ang ulat ng nasabing grupo.

 

TAGS: 10 worst countries, black propaganda, CHR, Global Workers’ Rights Index, Labor Secretary Silvestre Bello III, Pilipinas, Sagay farmers, Trade Union Confederation, unyon, 10 worst countries, black propaganda, CHR, Global Workers’ Rights Index, Labor Secretary Silvestre Bello III, Pilipinas, Sagay farmers, Trade Union Confederation, unyon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.