Panukalang 14th month pay suportado ng DOLE

By Rhommel Balasbas July 05, 2019 - 04:20 AM

Nagpahayag ng suporta ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa panukalang nagnanais bigyan ng 14th-month pay ang mga manggagawa sa pribadong sektor.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, suportado ng kagawaran ang mga hakbang na makabubuti sa kapakanan ng mga mangagawa at kanilang mga pamilya.

“We support anything that benefits our workers and their families,” ani Bello.

Pero sinabi ng kalihim na kailangang tiyakin ng panukala na balanse ang pangangailangang pinansyal ng mga manggagawa at kakayahan ng mga kumpanya na magbigay ng additional pay.

Pag-aaralan anya ng DOLE ang epekto ng panukalang 14th month pay sa ekonomiya ng bansa.

“The bill should consider the interests of both management and labor and its impact on the economy,” ani Bello.

Binuhay ni Senate President Tito Sotto ang Senate Bill 10 o ang “An Act Requiring Employers in the Private Sector to Pay 14th Month Pay na nakabinbin sa Senado noon pang Hulyo 16.

Sa ilalim ng panukala, lahat ng rank-and-file employees na nakapagtrabaho ng hindi bababa sa isang buwan ay makatatanggap ng 14th month pay.

 

TAGS: 14th month pay, DOLE, Labor Secretary Silvestre Bello III, rank and file employees, Vicente Sotto III, 14th month pay, DOLE, Labor Secretary Silvestre Bello III, rank and file employees, Vicente Sotto III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.