Estudyante natagpuang patay sa Cebu

Contributed photo

Natagpuan ang bangkay ng isang lalaking estudyante sa Sitio Banilad, Barangay Tomonoy sa bayan ng Moalboal sa Cebu Huwebes ng umaga.

Kinilala ni Police Corporal Wilfredo Rosal ng Moalboal Police Station ang biktima na si Harriz Bell Olivo, 21 anyos, Grade 10 student sa Badian National High School.

Naniniwala ang pulisya na pinukpok ang biktima dahil sa nakitang sugat sa ulo nito at isang martilyo malapit sa bangkay.

Isang residente malapit sa lugar kung saan nakita ang bangkay ang nag-report nito sa pulisya.

Sa ngayon ay wala pang lead ang mga pulis kung sino ang nasa likod ng krimen.

 

Read more...