Estudyante natagpuang patay sa Cebu

By Len Montaño July 05, 2019 - 03:53 AM

Contributed photo

Natagpuan ang bangkay ng isang lalaking estudyante sa Sitio Banilad, Barangay Tomonoy sa bayan ng Moalboal sa Cebu Huwebes ng umaga.

Kinilala ni Police Corporal Wilfredo Rosal ng Moalboal Police Station ang biktima na si Harriz Bell Olivo, 21 anyos, Grade 10 student sa Badian National High School.

Naniniwala ang pulisya na pinukpok ang biktima dahil sa nakitang sugat sa ulo nito at isang martilyo malapit sa bangkay.

Isang residente malapit sa lugar kung saan nakita ang bangkay ang nag-report nito sa pulisya.

Sa ngayon ay wala pang lead ang mga pulis kung sino ang nasa likod ng krimen.

 

TAGS: Badian National High School, cebu, estudyante, Grade 10, Harriz Bell Olivo, martilyo, Moalboal, Natagpuang patay, pinukpok, Badian National High School, cebu, estudyante, Grade 10, Harriz Bell Olivo, martilyo, Moalboal, Natagpuang patay, pinukpok

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.