Grab hinimok ang TNVS community na huwag ituloy ang strike sa Lunes

By Rhommel Balasbas July 05, 2019 - 03:41 AM

Nanawagan ang Grab Philippines sa Transport Network Vehicle Services (TNVS) Community na huwag ituloy ang ikinakasang holiday strike sa Lunes.

Sa isang pahayag araw ng Huwebes, iginiit ng Grab na dapat kanselahin ang planong strike dahil maaapektuhan nito ang napakaraming pasahero.

“We urge our Transport Network Vehicle Service (TNVS) partners to show utmost restraint before taking actions that could negatively impact the ability of passengers to book rides,” pahayag ni rab Philippines Public Affairs manager Atty. Nicka Hosaka.

Ang transport holiday ay isasagawa bilang protesta sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) dahil sa anila ay pahirap na mga polisiya at mabagal na pagproseso sa mga aplikasyon para sa provisional authority at certificate of public convenience.

Iginiit ni Hosaka na ang mga suliraning kinahaharap ng TNVS Community ay dapat idaan sa dayalogo.

“We encourage our TNVS partners to work with us, with passengers, and with our regulators to address TNVS pain points through dialogue,” ayon kay Hosaka.

Dagdag pa ng Grab official huwag dapat gumawa ng mga aksyon na makakaapekto sa kapakanan ng mga pasahero.

“Let us take the high road and not resort to any rash actions that would directly affect the passengers we are all committed to serve,” ani Hosaka.

 

TAGS: Atty. Nicka Hosaka, Grab, huwag ituloy, ltfrb, pahirap na polisiya, pasahero, TNVS, transport holiday, Atty. Nicka Hosaka, Grab, huwag ituloy, ltfrb, pahirap na polisiya, pasahero, TNVS, transport holiday

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.