Bato sa pagkamatay ng mga inosente sa war on drugs: ‘Sh*t happens’

By Rhommel Balasbas July 05, 2019 - 02:01 AM

Hindi umano maiiwasan ang pagkakaroon ng ‘collateral damage’ o ang pagkamatay ng ilang mga inosente sa police operations ayon kay Sen. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa.

“It’s not a perfect world and ‘s**t happens,” ayon sa pahayag ng senador sa Kapihan forum sa Senado araw ng Huwebes.

“Aminin ko sa inyo, mayroong nangyayari na talagang in the course of operations, honest to goodness na talagang may nagiging collateral damage,” dagdag ni Dela Rosa.

Reaksyon ito ng senador matapos umani ng kaliwa’t kanang batikos ang pagkakasawi ng tatlong taong gulang na bata na si Myka Ulpina sa buy-bust operation sa Rodriguez, Rizal.

Batay sa pahayag ng mga pulis, ginamit na human shield ang bata ng sarili nitong ama na si Renato Dolorfina, ang target sa nasabing operasyon.

Pero pinasinungalingan ito ng ina ng biktima at sinabing natutulog sila nang dumating ang mga pulis.

Nasawi sa operasyon si Dolorfina at ang undercover police officer na si Senior Master Sergeant Conrad Cabigao.

Iginiit ng baguhang senador na hindi naman gusto ng mga pulis na makapatay ng bata sa operasyon dahil mayroon ding anak ang mga ito.

“Sino bang may gusto…? Ikaw ba, pulis ka gusto mo may bata tamaan? Kasi ikaw may anak ka rin, hindi mo gustong may mangyari na ganun,” ani Dela Rosa.

Nagpahayag naman ng kahandaan si Dela Rosa na maimbestigahan ang insidente sa pagbubukas ng 18th Congress sa July 22.

 

TAGS: 18th congress, collateral damage, human shield, inosente, Myka Ulpina, police operation, Sen. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, shit happens, undercover police officer, 18th congress, collateral damage, human shield, inosente, Myka Ulpina, police operation, Sen. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, shit happens, undercover police officer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.