PCG magkakaroon ng mga bagong 12 high-speed boats
Inaasahang darating ngayong buwan ng Hulyo ang 12 high-speed emergency boats para sa Philippine Coast Guard (PCG).
Ayon kay PCG commandant admiral Elson Hermogino, gagamitin ang mga nasabing emergency boats para sa pagresponde sa mga sakuna at maging sa patrol at rescue operations.
Galing sa Estados Unidos ang mga piyesa ng naturang high speed boats at bubuuin ang mga ito sa Pilipinas.
Nakatakdang i-deploy ng coast guard ang mga bangka sa iba’t ibang lugar sa buong bansa.
Ang mga nasabing rigid hull inflatable boats ay kayang magsakay ng 10 hanggang 12 katao.
Kasama rin sa mga bangka ang navigational equipment tulad ng radar at global positioning system o GPS plotter.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.