M3.2 na lindol naitala sa Davao Oriental

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang bahagi ng Davao Oriental alas-12:22 Biyernes ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 155 kilometro Timog-Silangan ng Governor Generoso.

May lalim ang pagyanig na 104 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Hindi naman nagdulot ang lindol ng pinsala sa mga ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.

 

Read more...