Anne Curtis target naman ang Tokyo Marathon matapos tumakbo sa NY at London

By Len Montaño July 05, 2019 - 12:56 AM

Matapos ang kanyang pagtakbo sa New York at London, plano naman ngayon ng aktres na si Anne Curtis na sumali sa Tokyo Marathon.

Inanunsyo ni Anne na confirmed na ang kanyang aplikasyon para makasali sa 42.2-kilometer marathon sa Japan.

Ang Tokyo Marathon, na nakatakda sa March 1, 2020, ang magiging pangatlong partisipasyon ni Anne sa six-city World Marathon Majors.

Una nang tumakbo si Anne sa mga marathon sa New York noong 2016 at sa London noong 2018.

Ang isang runner na nakatapos ng lahat ng anim na marathon, kabilang sa Boston, Berlin at Chicago, ay kinikilala sa pamamagitan ng Six-Star Finisher title.

Dahil natigil sa pagtakbo, maagang magsisimula si Anne ng training walong buwan bago ang Tokyo Marathon.

Sa marathon sa London, ang appointed Celebrity of UNICEF-Philippines na si Anne ay nagsuot ng banner ng naturang organisasyon bilang kapa habang papalapit ito sa 42-kilometer finish line.

Bilang UNICEF runner, kumalap si Anne ng pondo para sa emergency response program ng grupo para sa mga bata sa Marawi.

TAGS: Anne Curtis, emergency response program, London Marathon, marawi, New York Marathon, six-city World Marathon Majors, Six-Star Finisher title, Tokyo Marathon, unicef, Anne Curtis, emergency response program, London Marathon, marawi, New York Marathon, six-city World Marathon Majors, Six-Star Finisher title, Tokyo Marathon, unicef

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.