Nagbabala si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na magiging mahigpit siya sa mga contractors na lalabag sa panuntunan gaya ng pag-iiwan ng mga debris o materyales sa construction sites.
Pahayag ito ni Domagoso matapos ang pulong sa mga kinatawan ng mga ahensya ng gobyerno at mga pribadong kumpanya sa City Hall araw ng Huwebes.
Ayon sa Alkalde, may kasunduan siya sa mga ahensya at kumpanya na lahat ng “undesirable” contractors ay hindi welcome at hindi papayagang mag-operate sa Manila.
Binanggit ni Domagoso ang mga reklamo ng mga residente laban sa private contractors na nag-iiwan ng debris o kanilang mga gamit matapos ang trabaho o kaya ay iwang nakatiwangwang ang isang proyekto.
Ang kasunduan anya niya sa mga national government agencies at private companies ay para matiyak na lahat ng proyekto sa lungsod ay maayos na matatapos.
Kabilang sa mga kinausap ni Domagoso ang mga kinatawan ng MMDA, DPWH at mga kumpanyang PLDT, Globe, Smart, Meralco, Bayantel, Maynilad at Manila Water.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.