PNoy humirit ng tulong sa AFP para sa kanyang huling misyon

By Den Macaranas December 21, 2015 - 03:06 PM

aquino-afp-80-620x331
Inquirer file photo

Pinasalamatan ni Pangulong Noynoy Aquino ang buong puwersa ng Armed Forces of the Philippines sa 80th Anniversary ng AFP na ginanap sa Clark Air Base sa Pampanga.

Sinabi ng pangulo na hindi matatawaran ang propesyunalismo ng ating mga kawal na sa kabila ng mga kakulangan sa mga kagamitan ay nakahanda pa ring ipagtanggol an gating bayan.

Ayon sa pangulo, “Tunay nga pong napakalaking karangalan para sa akin ang makapaglingkod bilang Commander-in-Chief ng isang Sandatahang Lakas na ‘di nagpapadaig sa anumang hamon at sumasalamin sa pinakamatatayog na ideyal ng lahing Pilipino”.

Humingi rin ng tulong ang Commander-in-Chief sa AFP kaugnay sa kanyang huling misyon na tiyaking magiging maayos ang susunod na eleksyon,

“Sa susunod na taon, nakaatang sa ating balikat ang tungkuling siguruhing magiging matiwasay at matagumpay ang paparating na halalan”.

Sa kanyang talumpati, ipinagmalaki rin ng pangulo ang modernization process sa AFP kabilang na dito ang pagpapakita sa dalawa sa labing-dalawang mga bagong FA-50 fighter jets na binili sa South Korea.

Umaasa rin si Aquino na ipagpapatuloy ng susunod sa kanyang iiwang pwesto ang pagsasa-ayos ng mga military hardware bilang pangunahing paraan sa modernization process ng ating militar.

TAGS: AFP, Clark, FA-50, PNoy, AFP, Clark, FA-50, PNoy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.