Piñol, DA Secretary pa rin; resignation hindi inaksyunan ni Pang. Duterte
Nananatiling kalihim ng Department of Agriculture si Manny Piñol dahil hindi inaksyunan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inihain nitong resignation noong nakaraang linggo.
Ayon mismo kay Piñol, sa ngayon ay naresolba na ang isyu at walang aksyon ang Pangulo sa pagbibitiw nito sa pwesto.
“As of the moment, the issue has been resolved…The President has not acted on my resignation,” pahayag ni Piñol sa media matapos ang inter-agency meeting sa tanggapan ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa Koronadal City araw ng Huwebes.
Nagpasalamat naman si Piñol kay Pangulong Duterte sa pahayag nito na hindi tiwali ang kalihim.
“To me, that is something that I am really proud of in my lifetime. And I will tell my children that the President of the Philippines said your father is not corrupt. That to me is a badge of honor.”
Habang “thank you” ang magiging tugon ng opisyal kapag inilipat ito sa ibang tanggapan na naka-base sa Mindanao.
Noong nakaraang linggo ay naghain ng resignation si Piñol at nagpahayag ito ng pagnanais na pamunuan ang Mindanao Development Authority (MinDA).
Samantala, dinipensahan ni Piñol ang kanyang trabaho. Pag-upo umano nito bilang Agriculture Secretary ay pabagsak anya ang ahensya.
Mula noong 2016 anya ay umunlad ang sektor ng agrikultura kung saan nasa 2.2 percent ang average growth.
Nais lamang anya ng mga gumagawa ng isyu na sirain ang Pangulo at ang departamento.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.