Ipinagbawal ang paggamit ng plastic sa lahat ng istasyon ng pulisya na sakop ng Eastern Police District (EPD).
Ito ay alinsunod sa inilunsad ng EPD na “Ayaw Namin sa Plastic” program araw ng Huwebes.
Ayon kay EPD Director Police Brigadier General Nolasco Bathan, isa ang pagbabawal sa paggamit ng plastic sa mga programang ipatutupad sa lahat ng police stations sa silangang bahagi ng Metro Manila.
Nais ng EPD na makatulong sa maliit at sariling paraan ang plastic ban para makabawas sa sanhi ng pagbaha at pangangalaga na rin sa kalikasan.
Kumpyansa si Bathan na susundin ito ng lahat ng istasyon ng pulisya sa kanyang nasasakupan.
Umaasa naman ang EPD director na maipatutupad din ito sa iba pang lugar gaya ng mga paaralan at gusali sa Madaluyong, Marikina, Pasig at San Juan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.