NWRB: Limitasyon ng suplay ng tubig mula Angat Dam mananatili
Hindi aalisin ang limitasyon ng suplay ng tubig sa Maynilad at Manila Water kahit napapadalas na ang pag-uulan.
Ayon kay National Water Resources Board (NWRB) Executive Director Sevillo David Jr., mananatili ang 36 cubic meters per second na alokasyon ng tubig na mula sa Agat Dam para sa dalawang water concessionaires.
Ito ay sa kabila ng pag-akyat sa 161.86 meters ang water level sa Angat.
Paliwanag ni David, kulang pa rin ng 19 meters bago maabot ang 180 meters normal operating level ng dam.
Umaasa naman si David na magpapatuloy ang mga ulan na bubuhos sa Angat watershed para madagdagan pa ang suplay na tubig sa nasabing dam.
Panawagan naman niya sa publiko na patuloy pa rin na magtipid sa paggamit ng tubig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.