Nanindigan ang Malacanang na legally binding ang verbal agreement nina pangulong Rodrigo duterte at Chinese President Xi Jinping na maaring makapangisda ang China sa exclusive economic zone ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Pahayag ito ng palasyo sa kabila ng pahayag nina Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. at Cabinet Sec. Karlo Nograles na hindi enforceable ang naturang kasunduan.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sinusundan lamang niya ang paninindigan ng pangulo.
Entitled aniya sina Locsin at Nograles na magbigay ng kanilang opinyon at mag-interpret sa nakasaad sa batas.
Payo ni Panelo sa mga miyembro ng gabinete ng administrasyon…makinig sa mga sinasabi ng pangulo.
Iginiit pa ni Panelo na kung ano man ang polisiya ng pangulo sa isang isyu, iyon na ang posisyon ng gobyerno.
Ang nasabing isyu ang siyang ginagamit ng oposisyon sa kanilang plano na sampahan ng impeachment case ang pangulo.