Pagpapaliban ng SK at barangay elections. isinusulong ni Rep. Inno Dy sa Kamara

By Erwin Aguilon July 04, 2019 - 07:46 PM

Isinusulong ni Isabela 6th District Rep. Faustino “Inno” Dy V ang panukala para sa pagpapaliban ng susunod na Barangay and Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Base sa House Bill No. 47 o ang “An Act Postponing the May 2020 Barangay and SK Elections,” nais nito na mailipat ang synchronized barangay and SK elections mula sa second Monday ng May 2020 patungo sa second Monday of May 2023.

Sa ilalim din ng panukala, gagawin ang mga susunod na eleksyon para sa SK at barangay kada limang taon.

Ayon kay Dy, ito ay upang makabuo ng limang taong termino ang mga opisyal ng barangay at SK na naluklok noong 2018.

Kailangan aniya ng mas mahabang taon ng panunungkulan ang mga ito upang mas makapaglingkod pa sa mga nasasakupan at masiguro ang walang putol na paghahatid ng serbisyo.

Sinabi pa nito na ang panukala ay naayon sa panawagan ng Liga ng mga Barangay (LNB) na dati nitong pinamunuan na mabigyan ng fixed term upang magkaroon ng sapat na oras upang ipatupad ang kanilang mga programa nang walang political interference.

Bilang isang dating barangay captain, masyadong maiksi aniya ang dalawang taon upang maisakatuparan ang mga programa sa grassroots level.

TAGS: Barangay and Sangguniang Kabataan (SK) elections, Congress, Rep. Faustino “Inno” Dy V, Barangay and Sangguniang Kabataan (SK) elections, Congress, Rep. Faustino “Inno” Dy V

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.