Panibagong reclamation activities ng China sa Spratly’s iimbestigahan

By Chona Yu July 04, 2019 - 04:23 PM

Inquirer file photo

Naalarma ang Malacanang sa ulat ng University of the Philippines Marine Science Institute na umaabot sa P33 Billion na halaga ng reef ecosystem ang nasisira kada taon sa Panatag Shoal at Spratly Islands dahil sa reclamation activities at illegal fishing operations ng China.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, magsasagawa ng sariling pag-aaral ang pamahalaan para masuri kung totoo ang naturang ulat.

Maari aniyang ang Department of Agriculture ang magsagawa ng pag-aaral dahil nasa ilalim nito ang tanggapan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Ayon kay Panelo, “We will always be concerned if affects the security of the state and if affects the general welfare  of the people.”

Kapag nagkaroon na aniya ng pag-aaral ay magsasagawa ng kaukulang hakbang ang pamahalaan para matiyak na hindi masisira ang yamang dagat.

Sinabi pa ni Panelo na palaging nababahala ang gobyerno lalo na kung nakaapekto sa seguridad at kapakanan ng taong bayan ang ginagawa ng ibang bansa sa teritoryo ng Pilipinas.

TAGS: Panatag shoal, panelo, Spratly's, University of the Philippines Marine Science Institute, Panatag shoal, panelo, Spratly's, University of the Philippines Marine Science Institute

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.