400 kilos ng double-dead na karne ng manok nasabat sa Maynila

By Clarize Austria July 04, 2019 - 03:30 PM

Photo: Manila PIO

Umabot sa 400 na kilos ng ‘botcha’ o double-dead na karne ng manok ang nasamsam ng Manila City Veterinary Inspection Board (VIB) sa Paco Market.

Ayon kay Dr. Nick Santos, hepe ng food hygiene and regulatory division ng VIB, nagmula ang mga manok sa hindi lisensyadong katayan ng karne sa Las Piñas City at dinala sa Paco Miyerkules ng gabi.

Nagkakahala ang mga karne ng P36,000.

Kasunod nito, nagbabala si Manila Mayor Isko Moreno sa mga tindero na huwag magbenta ng mga ilegal na karne.

Tiniyak din ng alkalde na hindi ito hahayaan ng pamahalaang lokal ng Maynila para protektahan ang mga residente sa lungsod.

TAGS: botcha, chicken, double dead, Isko Moreno, las pinas, manila, botcha, chicken, double dead, Isko Moreno, las pinas, manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.