Pagsasapubliko sa resulta ng imbestigasyon sa recto bank incident premature pa

By Chona Yu July 04, 2019 - 12:22 PM

Wala pang balak ang Malakanyang na isapubliko ang resulta ng imbestigasyon sa Recto Bank incident kung saan inabandona ng Chinese crew ang dalawampu’t dalawang Filipinong mangingisda.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, premature pa kung ilalabas ng Pilipinas ang baraha dahil kailangan na hintayin muna ang kalalabasan ng resulta ng imbestigasyon ng China.

Ayon kay Nograles kailangan muna na magkaroon ng pagsusuri ang magkabilang panig bilang bahagi ng protocol na ipapatupad sa diplomatic action.

Sa ngayon aniya isinasapinal na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang report ng Philippine Coast Guard at Philippine Navy kaugnay sa nasabing insidente.

TAGS: coast guard, investigation, Recto Bank, coast guard, investigation, Recto Bank

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.