26 na mangingisda patay sa paglubog ng bangka sa Honduras

By Jimmy Tamayo July 04, 2019 - 11:30 AM

Patay ang 26 katao nang lumubog ang sinasakyan nilang fishing boat sa Honduras.

Hindi pa malinaw ang sanhi ng paglubog ng bangka na may lulang mga mangingisda.

Napag-alam pa na nakapagpadala pa ng mensahe para humingi ng tulong ang kapitan ng fishing boat na pinaniniwalaang kasama sa mga nasawi.

Samantala, aabot naman sa 47 katao ang nailigtas sa paglubog ng isang bangka malapit naman sa silangang bahagi ng Mosquitia region sa naturang bansa.

Ayon sa Honduras Armef Forces dinala na ang mga nakaligtas sa pinakamalapit na syudad ng Puerto Lempira.

TAGS: 26 fishermen, boat, Honduras, sea accident, 26 fishermen, boat, Honduras, sea accident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.